Kalamata Olive Diyeta
February 7, 2012 by admin
Filed under Mediterranean Diet
Ang Kalamata Olive Diyeta – ano iyon?
Ang kalamata olive Diyeta ay isang bersyon ng Mediterranean diyeta na kilala din sa tawag na Prasouda Diyeta.
Ano ang mga Kalamata Olives?
Nagmula ang pangalan na Kalamata olives sa rehiyon ng Kalamata sa Gresya. Ang rehiyon na ito ay kilala sa mayaman, malinamnam na mga oliba at mga langis ng oliba. Ang mga kalamata olives ay tinatawag din na Greek olives at ang mga ito ay may matingkad at mamula-mula lilang kulay. Kapag hindi ginagamit sa produksyon ng langis ng oliba, ang mga ito ay madalas ina-atsara sa maalat na tubig o kaya sa sawsawan na may sangkap na langis, suka, at iba pang pampalasa. Dahil sa proseso ng pag-aatsara nagiging kulay-kape o kaya ay nagiging maitim ang kulay ng mga ito. Ang kalamata olives ay may anthocyanin (isang kulay na mayaman na pangontra sa sakit at pamamaga ng katawan).
Kahit anong prutas na may kulay pula, asul, at lila ay mataas sa antioxidants. Ang mga ito ay importante dahil pino-protektahan nila ang ating katawan laban sa mga ‘free radicals’ na maaaring magdulot ng abnormal na pagdami ng ating cells at mag-resulta sa iba’t ibang uri ng sakit katulad ng sakit sa puso at kanser. Sa kabuuan, kapag mas matingkad ang kulay, mas marami itong laman na antioxidants. Ang mga kalamata olives ay masarap na pinagmumulan ng antioxidants na naglalaman din ng flavonoids, polyphenols at bitamina E na tumutulong protektahan ang ating katawan sa mga free radicals. Ang mga ito ay mayaman din sa fiber, nagpapalakas ng immune system, pinapabuti ang kondisyon ng puso at binabawasan ang pamamaga.

Ang Mediterranean Diyeta at Kalamata Olives
Dahan-dahan lang dapat ang pagkonsumo ng oliba, sapagka’t labing-limang gramo (15 grams) ng Kalamata olives (humigit-kumulang tatlo hanggang limang oliba) ay katumbas ng apatnapu’t limang calories (45 calories) dahil ito ay mataas sa taba. Ang mga inatsarang pagkain ay dapat katamtaman lang din ang pagkonsumo dahil ito ay mataas sa asin.
Ano ay ang Mediterranean diyeta o Kalamata Olive diyeta?
Tulad ng iyong inaasahan, ang kalamata olive diyeta ay kina-kapalooban ng pagkain ng kalamata olives sa iba’t ibang paraan; buo, tapenade (olive paste), sa langis at dressings, at iba pa. Ang pangunahing pokus ng Kalamata Olive Diyeta o Mediterranean diyeta ay pagkain ng maraming sariwang prutas at gulay, buong haspe, mga oliba at langis ng oliba, isda at pagkaing-dagat (mataas sa Omega 3), keso at yoghurt. Ang pagkonsumo ng karne ay limitado sa isa hanggang dalawang beses kada buwan. Katulad ng lahat ng uri ng diyeta na nakapagpapalusog ng katawan, inirerekomenda na magkaroon ng aktibong pamumuhay kahit na tatlumpung minuto (30 minutes) paglalakad bawat araw. Magkakaroon ka ng mga kanais-nais na resulta sa iyong kalusugan pagkatapos ng Mediterranean diyeta.
Kung katulad mo ako at pakiramdam mo na hindi kumpleto ang pagkain kapag walang ‘filler’ tulad ng patatas, kanin, o kaya ay pasta. Maaari mong subukan ang calorie libreng mga bihon . Ang miki na ito ay katulad ng pagkakayari sa rice noodles at ito ay gawa sa siyamnapu’t pitong poryentong (97%) tubig at tatlong porsyentong (3%) soluble fiber. Dahil hindi kaya ng katawan natin na gawing enerhiya ang fiber, ang miki ay walang calorie kahit na isa itong ‘filler’. Upang makita ang isang pagsusuri ng produktong ito ay pumunta sa Himala pansit pagsusuri .
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Mediterranean diyeta bisitahin ang aming, bumisita sa aming Mediterranean Diyeta kategorya. Pansinin na halos lahat ng mga artikulo ay nakasulat sa Ingles, mag-papasok pa kami ng mas maraming mga artikulo na nakasulat sa Tagalog.


